|
KUNSABAGAY. |
|
January 7, 2009 //
MinamaLas na araw.. Alam mo yung pakiramdam na para kang ginising sa mahimbing na pag kakatulog para lang bwisitin ang sarili mo sa araw na yun? Yun kase nang yari sakin kanina eh. -- Nagising ako nang may nag text saken na ang sabe ay ganito... "FUCK! Dito pa ko sa work now, amoy alak pa ko, hayyss.." . Rereplayan ko pa sana kaso naalala kong mag iisang buwan na kong walang load. Si Nicko pala yung nag text. Natulog ulit ako dahil akala ko maaga pa. Nag alarm na yung phone. Seven na pala, time to get up. Pucha, yung time to get up pala na yun.. guniguni ko lang kase natulog ulit ako. Nag alarm ulit ang relo at naalarma rin ako ng makita ko kung anong oras na.. Putangina!! Eight thirty naaaa!!! paanong lumagtaw ng alarm ung cp koooo!!!! Walang pakundangaaaaannn!! Pero di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at natulog ulit ako.. pag gising ko, SHET.. 10 NA... Dali dali akong tumayo, tumakbo at naligo. Wala pang 3 minutes yung nailigo ko. Parang kalahati lang ata ng katawan ko ang nasabon ko at kilay ko lang ang nashampoo ko. Pero sa damit ako medyo namroblema. Ayoko kaseng mag mukhang di ako nag [papalit ng damit dahil puro puti ang damit kong pang lakad lakad. Di ako poporma para lang amg hanap ng trabaho, hindi uso dito yan. Nakarating ako sa train station ng 10.45, on time pa para sa pag dating ng 11 oclock train to Blacktown. Nakarating ako sa destinayon ko ng.. 11.15 - LATE NA LATE NA. Nag usok ang tenga ng supervisor ng agency ko ng malaman niyang.. late na naman ako.. THREE DAYS IN A ROW. Isang oras akong nakaupo dun, nag asikaso ng papeles ko.. nag hanap ng karami raming trabaho. Umalis din ako matapos ang isang oras dahil gusto ko ng kainin yung receptionist at dahil pupunta pa ko sa aaplayan ko. -- Sobrang Init sa labas, para akong kinakatay na baboy in action. Parang unti unting nalulusaw ung mga fats ko. Umorder ako at kumain ng Chicken Teriyaki. Ansarap sana nung food kung wala lang bulbol na nakasama sa rice. Nakaka inis talaga promise, lalo pa kung habang kumakain ka.. ang tutugtog na kanta eh yung.. POWER OF LOVE ni Celine Dion. Talagang mag iinit dugo mo sa kinakain mong bulbol rice. Dahil feeling ko di ako magkaka appendicities (ganyan ba spelling nun) kung lalakad na ko kagad papuntang aaplayan ko, lumarga na ko habang umiinom ng malamig na tubig na sya ring pinang pupunas ko sa pinagpapawisan kong mukha. Kalbaryo ang tinahak ko makarating lang sa lintek na yun eh.. ganto kase yun.. di ako pamilyar sa lugar kaya parang di ako sure kung nasa Australia pa ko...
Sa isip isip ko.. nasan na ba ko? Parang isang malaking parking lot lang to eh...
Pag tingin ko sa kanan ko, nakita ko tong building na to. Naaalala ko, ito yung dating Bowling center. Di ko alam na nalipat na pala sa Cainta to ngayon.. amf, mukha kaseng sa Pinas lang eh. Dun ako napaisip, nasa Australia pa ba talaga ako o nasa pinas na? Naglakad pa rin ako para lang mahanap yung lugar na yun..
What the hell, nasa talahiban na ko. Mukhang wala na ko sa sibilisadong lugar na inaakala ko mag dadala saken sa lugar ng destinayon ko. Pucha, para na kong disipulo ni kristo neto eh. Pag lingon ko sa kaliwa.. ang nasabe ko na lang ay...
"Nasan na kooooooooooo?! Nasa Australia pa rin ba talaga ako?????" Kung di ka nga naman minamalas oh. Ang init na nga, tapos makikita mo para kang nasa US na ewan. So patuloy pa rin naman akong nag lakad dahil alam ko mararating ko rin yun...
Natagpuan ko sa di kalayuan tong lintek na building na to na pinamumugaran ng crips este ng mga empleyado ng Office works, ang aaplayan koong trabaho.. Ngiting ngiti pa ko ng malaman kong ito na ang inaasam asam kong lugar... ang trabahong aapalayan koooooooo!! Kahit na hinahalikan na ko ni haring araw, balewala saken ang dampi nito dahil ang importante saken ay maipasa ko lang tong resume ko na hinihingi nila. Pero siguro kung kayo ang nasa posisyon ko, iinit ang dugo niyo kung narinig niyo to mula sa isa sa kanilang mga empleyado.. Empleyado: Im sorry but we dont have any vacancies at the moment.. Gago!! Matapos kong tahakin ang bundok na ito!!! Yun sasabihin mo, tangina mo. Mag sama kayo ng lintek na Gigantic ruler !!! Pero meh plano ang Diyos, ayaw niang mag trabaho ako at mag scan na lang ng school supplies sa Officeworks. Katabi ng Officeworks ay Subway, yung sandwich fast food. Meh nag iwan ng resume dun, nasa sahig sa pinto.. Sarado kase yung shop eh. So nainggit ako.. nakigaya rin.. Kahit bugnot na mukha ko at naiiyak na ko sa inis, napangiti na lang ako sa isa pang maliit na blessing na dumating saken nung araw na yun.. So as I went back to the station to head home.. hingal na hingal na ko at parang nirape na.. ito ang nakita ko..
Pucha, mag lakad na lang daw. Wag na mag escalator. -- Dun ko naisip na bagamat maraming problema sa buhay, meron pa ring maliliit na bagay na syang magpapangiti sayo. Normal na tumahak ka ng ibat ibang klaseng daan para marating ang bagay na inaasam mo.. Pero wag ka ring mag e expect na sa pag dating mo sa destinayon mo ay may maabutan kang grasya para sayo, meron pang ibang bagay na para sayo.. tumingin ka lang sa paligid. At kahit na mabiyayaan ka ng kaunting grasya, marami ka pang escalator na sira ang di mo magagamit.. para maghanap ka ng ibang paraan para marating ang yung destinasyon. Mabuti pa tong building, walang problema..
Ako? Shempre, meron pa.. Wakas. Sinulat Ni ayenthology. // 2 ang umalma January 3, 2009 // Ano ang silbi?Yung nakaraang entry kase, malungkot at nag mukha akong letter sender ng maalaala mo kaya.. Pero namiss ko talaga ang mga entry kong puno ng katataawanan at mga katanungang di ko pa rin masagot hanggang ngayon.. -- Hindi ko alam kung ako lang to... pero napaparami ang mga bagay sa utak ko na gusto kong itanong.. tulad ng..
Hindi ko alam kung anu ang purpose ng pag suot nito. Ok, sabihin na nating maporma ka at isa ka sa mga sumusunod sa uso... pero ano ba ang magagawa nitong mabuti aside from making you look cool. Pag nasa beach ka ba at suot mo yan, mag kaka tan lines din ba ang ilalim ng noo mo hanggang sa ibabaw ng cheekbones mo? I seriously have no idea.
Nakapag coffee na rin naman ako sa starbucks, un nga lang 2004 pa yun. Nasa likod ko pa si John Estrada. Nakipag meet lang naman kame sa manager ng Jaboom Twins kase mag aartista tong gf ng pinsan ko. Ewan ko kung anu nangyari pero ang alam ko, we had coffee.
Ano ang rason para mamasyal kayo sa friendster ng ganyan ang display pic niyo? Seriously, what the fuck is that? Kung magpapakita kayo ng katawan niyo, wag dun sa mga site na pupuntahan ng mga kamag anak ko sa pinas. Maluwag pa ang ibang porn sites para sa mga images na ganyan kaya please lang.. wag nio kong dinadamay, bata pa ko, ahahaha. Ano ba purpose nio nito? Madidiscover ba kayo? Kung sa ganitong paraan lang kayo mag papapansin mas mabuti pang mag post na lang kayo ng comment sa website ng mga bigating film productions. Kase ako, pag tatawanan ko lang yan. Naku isay, nagkamali ka talaga ng kinakalaban mo... (malaki atraso saken ng isay na yan, ewan ko bakit nag e-epal na naman sa page ko...) -- Sa ngayon, yan lang naiisip ko at malamang madagdagan ito pag dating ng mga araw. Tulad ng ibang tao, marami tayong tanong. Maraming simpleng bagay na nilikha dito sa mundo na hindi natin alam kung anu ang rason o purpose kumbakit sila nilikha. Tulad ko, simpleng bagay lang yan pero gusto ko ng sagot. Well, para sa dalawang unang imahe, gusto ko ng sagot. Sa pangatlo, gusto ko syang patayin. Tara, Kape tayo.
Update: -- HAPPY NEW YEAR AND EXCITED NA KONG MAG POST NG IBA PANG KA-KORNIHAN SA BLOG KO! Sinulat Ni ayenthology. // 1 ang umalma January 1, 2009 // When the last teardrop falls..When the Last Teardrop Falls - Blaque -- Napakasakit i-let go ang taong alam mo naman ay para sayo. Pero mas masakit malaman na pareho kayong nahihirapang i-let go ang isat isa dahil kahit anong gawin niong kapit, kelangan kumalas. KAILANGAN. tanginang word yan. Sa lahat ng relashon na naging parte ako, ito ung nagiisang hinding hindi ko pinag sisisihan. Imagine having a bestfriend who knows you inside-out and knows everything even before you start telling him what`s wrong. Imagine mo yung taong parehong pareho mo. Sa ugali, sa mga terminologies, sa mga kalokohan.. Para kayong iissang taong pinaghiwalay. Kame yun. Nagsimula kame bilang matalik na magkaibigan na nauwi sa pag amin kong mahal ko sya, at sana ako na lang. Not knowing that he had been waiting for a long time as well. Nagkaron ng mga misunderstandings sa relationship namin na hindi rin naman tumagal dahil nauuwi lang sa kalokohan at asaran. Para kamiing mag barkadang hindi nauubusan ng makukulay na kwento na dinaig pa ang sinabawang gulay. Kame ung mag bf na nag papauso ng terms at nagmimistulang character ng soap opera/koreanovela/anime dahil pag may freetime, nag iimprovise kame ng soap opera na nauuwi naman sa kung anu anong kwento. Kame yung pag may sasabihin ang isa, sasabihin din nung isa at sabay pa.. sabay babanat ng.. Marami nga nag sasabe saken.. "You talk like Nicko.. You act like Nicko.. Bagay kayo ni Spade, pareho kayong monggoloid..." Una shempre tatawa lang ako, pero pag iniisip ko... Oo nga no! Monggoloid sha. Tapos sexy lang ako.. Andami naming pangarap na di na pwedeng ituloy (yung iba). Papatattoo daw sha ng Ayen's Property sa ibabaw ng.. :D .. ako? Ipapatattoo ko sana yung "NekNek" sa right pelvic bone ko. Gagawin ko pa rin un.. 15 na nga lang ang ilalagay ko. Uuwi pa rin kame sa pinas tulad ng plano, mag coconcert pa rin kame at mag si spit ng rhymes sa mga liblib na lugar ng pilipinas.. at mag ke kwentuhan ng bonggang bonga till the sun sets and rises. -- Oo nga't nawalan ako ng boyfriend ng di inaasahan, hindi pa rin naman nawawala yung bestfriend ko. Pero shempre hindi massagot ng isa pang relashon ang kasiyahang hangad ko sa ngayon. -- I just want to share you this song that we both Love. Ito lang ang song na nakakapag pa iyak sa kania.. --
SPADE && AYEN
Sinulat Ni ayenthology. // 5 ang umalma November 26, 2008 // Di na pwede.Pag nararamdaman mong wala na. Wag ka ng umasang meron pa. Kaya nga wala na eh, diba? Pero minsan, ang nararamdaman ng tao.. Pakiramdam lang yun. Kaya wag mag papaniwala sa instincts, baka kase mali rin. -- Pero kung alam mong meron pa, wag kang mag alinlangang ipakita pa lalo. At dun sa isang tao.. Kung meron pa.. kahit na katiting na natitira... Itanong mo sa sarili mo, "eh sya kaya? meron pa ba?" Pero malamang malabo mong itanong.. kase most of the time, busy kang alamin ang mga bagay na di naman kasing importante niya, yun ay kung importante nga talaga sya sayo... HINIHINTAY KA NIYA EH, IKAW LANG TONG DI MO PINAPANSIN...
-- hayys saket putangna. Sinulat Ni ayenthology. // 11 ang umalma |
Maselang Konteksto / Mga binibisita / Kaibigan / Mga Kumaibigan saken Ako Si Ayen at ako ay 19 na taong gulang Mahilig ako sa Prints, Street, Art & Culture, Books, Music and Advertising Pero ayoko sa Assholes. Plano ko sa kinabukasan? Mataguyod ko ang sining at kulturang pilipino, sa makabagong milenyo. *HUGS* TOTAL! give BiGG-AYEN more *HUGS* Get hugs of your own ![]() Click for Bigg Ayen`s Songs |